DA, bubuo na ng implementing guidelines sa paggamit ng biofertilizers

Bubuo na ng implementing guidelines ang Department of Agriculture para magsilbing gabay ng kanilang regional offices at mga magsasaka sa paggamit ng bio fertilizers.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni DA USec Leocadio Sebastian, na nakasaaad sa Memorandum Order No. 32 , ang layuning maipatupad ng maayos ang paggamit ng bio fertilizers upang hindi na maulit ang mga anomalya sa fertilizer noong mga nakalipas na taon.

Binigyang-diin ni Sebastian na ang paggamit ng bio fertilizers ang siyang isinusulong ngayon ng pamahalaan para mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa.

Paliwanag ng opisyal , nakita nila ang bansa noong mga nakaraang taon na nagka problema sa produksyon ng bigas dahil sa sobrang mahal na imported na in-organic fertilizer o UREA.

Ito aniya ang dahilan kaya may pangangailangan na isulong ng pamahalaan ang tinatawag na balance fertilization.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *