DA chief: P27.50 lang ang pinakamalapit na mababang presyo ng bigas ang magagawa sa ngayon

Bagama’t suportado ni Agriculture Secretary William Dar ang layunin ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabawasan ang presyo ng bigas sa P20 bawat kilo, ay P27.5 per kilo lang umano ang pinakamalapit na kanilang magagawa sa ngayon.

Ayon kay Dar, sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagconceptualize kung papaanu maabot o makalapit sa P20/kg target, at napagdesisyunan ang ilang mungkahi.

Kabilang umano dito ay ang pagpapatupad sa Masagana 99, na programa ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, kung saan target ng gobyerno na mapataas ang average rice crop na makakuha sa 99 kaban bawat ektarya, kung saan gagamitin ng mga magsasaka ang mga bagong nabuong mga teknolohiya.

Sa ngayon, ang national average para sa parehong inbred at hybrid rice ay nasa 4.5 metric tons per hectare, na mababa ng 100 kaban.

Samantala, para sa hybrid rice, sinabi ni Dar na plano nila na magkaroon ng Masagana 200. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *