Hinahangad ng Department of Agriculture (DA) ang pag-streamline ng proseso ng pag-apruba ng bakuna para sa bird flu at African swine fever (ASF).
Ayon kay DA Undersecretary for Livestock Deogracias Savellano, isang memorandum of agreement (MOA) ang hinahabol sa pagitan ng Bureau of Animal Industry at ng Food and Drugs Administration (FDA).
Dagdag pa nito na mayroon ng limang aplikante para sa bird flu vaccines at apat na aplikante para sa ASF vaccines, ngunit nasa iba’t ibang yugto sila ng pagsusuri.
Bukod pa rito, tinitignan rin ng ahensya ang problema ng mga smuggled na bakuna sa bansa.