DA: hindi maa-argabyado ang mga onion farmers sa gitna ng mataas na presyo ng produkto

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na tinitingnan pa rin nila ang kapakanan ng iba’t ibang sektor lalo na ang mga onion farmers.

Ito ay sa gitna ng ipapataw na P250 na suggested retail price (SRP) sa kada kilo ng pulang sibuyas simula bukas – higit itong mataas sa P170 per kilo na SRP nitong Oktubre.

Ginawa ang bagong SRP matapos ma-monitor ang P500 hanggang sa mahigit P700 na presyo ng red onion sa merkado.

Sa isang panayam, sinabi ni DA spokesperson Asec. Kristine Evangelista na hindi nila intensyong gipitin ang mga retailers at tutulungan nila ang mga ito para makasunod pa rin sa bagong SRP.

Tuluy-tuloy din aniya ang pakikipag-usap nila sa mga producers na ibaba na ang farm gate prices.

Dinepensahan din ni Evanglista ang bagong SRP at sinabing gagamitin ito para ma-track ang mga retailers na nagbebenta ng labis-labis sa itinakdang presyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *