DA, naglaan ng P286-M fertilizer vouchers para sa mga magsasaka sa Central Luzon

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P286 million na halaga ng fertilizer discount vouchers para sa mga magsasaka ng palay sa Central Luzon, bilang bahgai ng patuloy na hakbang ng gobyerno na matulungan ang sektor ng agrikultura.

Dahil dito, target ng fertilizer discount voucher program na masama ang 187,100 na ektaryayang rice land sa rehiyon.

Sa ilalim ng Rice Banner Program ng DA, ang farmer-beneficiaries ng fertilizer discount vouchers ay ang mga nagtanim ng palay noong 2022 wet season, maging ang mga nakatanggap ng inbred at hybrid seeds mula sa DA.

Maliban dito, kailangan din na nakarehistro ang mga farmer recipients sa ilalim ng DA’s Registry System for Basic Sectors in Agriculture.

Ayon kay Agriculturist Billy Roy Aquino, na kinatawan ng DA Regional Rice Banner Program, na ang pamamahagi ng fertilizer discount vouchers ay nagsimula noong Hulyo ng nakaraang taon, at magtatapos sa Jan. 31 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *