DA, naglabas na ng P1.5-B para sa mga hog raisers na labis na apektado ng ASF

Naglabas na ang Department of Agriculture ng P1.5 billion na tulong para sa mga hog farmers, sa gitna ng patuloy na epekto ng African Swine Fever (ASF) sa hog industry.

Ayon kay DA secretary William Dar, ang P1.5 billion ay kinuha mula sa kanilang quick response fund para ma-compensate ang mga hog raisers ng P5,000 bawat isa, habang hinihintay ang pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng P500 million pang tulong para sa mga ito.

Dagdag ni Dar, naglaan rin ang DA ng P1.2 billion para masimulan na ang repopulation ng mga baboy, habang ang Landbank ay nangako ng P30 billion at 12 billion naman sa DBP, para sa commercial hog raisers na may due interest.

Giit ng DA chief, ang repopulation sa mga baboy ang nakikita nilang long-term solution para matugunan ang shortage, kung saan mararamdaman umano ito ngayon taon, kung maayos na magagawa. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *