DA, nakikipagnegosasyon pa para sa 2nd cycle ng P170/kilo ng sibuyas sa Kadiwa stores

Nakikipagnegosasyon pa umano ang Department of Agriculture (DA) sa state-owned Food Terminal Inc. (FTI) para makuha ang mga preskong sibuyas na ibebenta ng mas mura sa mga Kadiwa stores.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, na ang pagsisimula ng susunod na cycle sa Kadiwa ay magiging dependent sa supplemental MOA (memorandum of agreement) na kanilang binubuo sa FTI, bilang sila umano ang nagpo-procure.

Mababatid na simula noong Biyernes, itinigil na ng Kadiwa stores ang pagbebenta ng mga sibuyas sa P170 kasa kilo, na mas mura kumpara sa P600 hanggang P700 na kada kilo sa presyo nito sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sinabi naman ni Evangelista, na hinihintay ng DA ang liquidation at inventory report sa first cycle ng sibuyas na ibenenta sa Kadiwa stores.

Para sa first cycle, ibinahagi ng DA official na nakapagpalabas ang ahensya ng P140 million na budget para sa pagbili ng sibuyas sa pamamagitan ng FTI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *