DA: Nakumpiskang P3.9-M halaga ng umano’y smuggled sibuyas, ibebenta sa Kadiwa stalls

Nakatakdang ibenta sa mga Kadiwa stall sa mas murang halaga ang sako-sakong mga puting sibuyas na nakumpiska sa Divisoria, Manila.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), na ang naturang sibuyas na nagkakahalaga sa P3.9 million, ay isinakay sa truck ng Philippine National Police at dinala sa warehouse ng Bureau of Plant Industry (BPI) para sa inventory.

Sinabi naman ng BPI, na ang naturang mga sibuyas ay walang phytosanitary permit, na ibig sabihin, hindi ito ligtas para sa human consumption, dahil maaring naglalaman ito ng ilang kemikal.

Dapat umano sa naturang produkto ay binabalatan at ginagawang compost.

Inihayag naman ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na ang naturang mga sibuyas ay kailangang sumailalim sa phytosanitary inspection, bago ibenta sa Kadiwa stalls. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *