Nanindigan ang Department of Agriculture na hindi ito mag-aangkat ng sibuyas habang papalapit ang panahon ng ani, sa kabila ng tumataas ang presyo nito ng hanggang PHP520.
Sa public briefing, sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na maingat ang departamento sa pagbibigay ng mga import permits lalo na para sa mga sibuyas.

Tiniyak ni Estoperez sa mga mamimili na tatatag ang presyo simula Enero dahil tataas ang suplay ng mga lokal na sibuyas sa panahon ng anihan.
Ngunit sinabi niya na kailangan ng DA na kailangan surrin ang value chain upang matiyak ang pagtaas ng produksyon at pagkakaroon ng abot-kayang presyo para sa mga mamimili.
Kabilang aniya dito ang interbensyon para sa logistics, transportasyon, cold storage at packaging intervention gayundin ang aktibong paglaban sa smuggling ng mga agricultural commodities.//CA