NAGA CITY – Nakatalaan at plano na ng Department of Agriculture Bicol na magset-up o maglagay ng Kandiwa ng Pangulo na nakatutok lamang sa bigas.
Ito ang napag-alaman kay Junelita Mora, Officer in Charge ng Division Chief of Consumer Protection Development, Department of Trade and Industry Camarines Sur.
Aniya dahil ito sa kakulangan ng suplay ng well milled rice at kasagutan na rin sa ilang reklamo na may kaugnayan pa rin sa Executive Order no. 39, na sapilitang pagpapatupad ng P41.00 sa regular rice at P45.00 naman sa well milled rice.
Nakatalaan na ring kakausapin ang mga supplier ng bigas o pinagkukunan ng bigas ng mga manininda upang alamin din ang sitwasyon lalo na isa sa naging suhesyon ng mga vendor babaan ang presyo ng bigas upang makapagtinda sa merkado.
Ang ilang rice vendor naman sa Naga City mayroon nang P41.00 na regular rice at P45.00 sa well milled rice.