Nagbigay ng mga farming materials ang Department of Agriculture Region 3 sa Olongapo City.
Ito ay para sa mga upland association para may magamit na karagdagang materyales para sa livelihood farming program.
Nito lang nakalipas na Martes ay personal na iniabot sa mga benepisyaryo ang mga kagamitan para magamit ito kaagad.
Samantala, ang mga ibinigay na kagamitan ay base na rin sa request ng mga asosasyon.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Olongapo City Agriculture Office
