DA, sinigurong walang kakulangan ng suplay ng bigas

Diretsahang tinanong ang Department of Agriculture (DA) sa Kamara kung may kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa ngayon at sa mga susunod pang buwan.

Wala ang sagot ng DA sa kabila ng pag-akyat ng presyo ng bigas sa merkado.

Sa kabila nito, inirerekomenda pa rin ng ahensya ang pag-import ng 500,000 metric tons (MT) ng bigas mula Nobyembre hanggang Enero 2024 upang masiguro ang sapat na suplay sa gitna ng El Nino.

Ayon kasi kay Undersecretary Mercedita Sombilla, maaring hindi cultivated sa panahon ng tag-tuyot ang 200,000 ektarya ng palayan.

Binatikos naman ito ni Abono Rep. Robert Estrella dahil isa raw itong “flag of surrender” kaya’t kailangan suriin ulit ang rekomendasyon ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *