DA, tiniyak ang mas marami pang mga KADIWA ng Pasko Caravans hanggang sa susunod na taon

Handa ang Department of Agriculture (DA) na gumawa ng mga hakbang para masigurong mapapalawig pa ang KADIWA ng Pasko Caravans sa bansa.

Ito ang ipinangako ni DA Asec. Kristine Evangelista matapos ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na pina-plano nitong i-extend ang mga KADIWA caravans hanggang sa Marso ng susunod na taon.

Ayon kay Evangelista, tuluy-tuloy ang mga hakbang ng Kagawaran para masigurong darami pa ang mga KADIWA caravans sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ganitong paraan aniya ay mas magkakaroon ng access ang mga Pilipino sa mga murang bilhin.

Higit din aniya itong nakatutulong sa mga magsasaka, at iba pang mga maliliit na negosyante para ibenta ang kani-kanilang mga produkto.

Sa ngayon, tuluy-tuloy aniya ang kanilang koordinasyon sa mga local government units (LGUs) para matukoy ang mga strategic places kung saan maaring ipatayo ang mga KADIWA caravans.

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *