DA umapela sa ilang grupo na huwag ituloy ang ‘food holiday’

Umapela ang Department of Agriculture (DA) na huwag nang ituloy ang binabalak ng iba’t-ibang sektor na ‘food holiday’.

Ito ay kasunod ng banta ni Pork Producers Federation of the Philippines Chairman Nicanor Briones na magtatakda silang ng araw kasama ang iba pang mga food producers, kung saan ititigil ang pagsuplay ng mga produkto sa mga palengke.

Ayon kay Briones ito ay dahil sa tila walang malasakit na mga polisiya ng DA sa mga magsasaka at mga consumer.

Sinabi naman ni Agriculture Asec. Noel Reyes na umaasa silang hindi itutuloy ng grupo ang banta subalit kumpiyansa sila na kahit isagawa ang food holiday ay hindi nito mapaparalisa ang daloy ng pagkain sa mga pamilihan.

Nanawagan naman si Reyes sa kampo ni Briones na huwag maghasik ng ganitong klaseng mga banta bagkus ay umapela ito dapat magtulungan na lamang ngayong pandemya. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *