DA: Walang shortage sa suplay ng karne ngayong Holiday season

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng karne para tugunan ang market demand ngayong holiday season.

Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, na dahil mas gusto ng mga consumers na bumili ng preskong karne, tanging ang mga sellers ng frozen meat lang ang nagdadalawang isip na ilabas ang kanilang suplay ng bultohan.

Sa gitna nito, sinisiguro ni Estoperez na walang pork shortage, lalo na ngayong Christmas season.

Una na ring sinabi ng farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na walang shortage sa suplay ng karne ngayong holidays kahit tumaas pa ang presyo nito sa ilang wet markets sa Metro Manila.

Mababatid na ang farmgate prices ng live hogs ay nasa P155 hanggang P175 per kilo, pero ang presyo ng pork products sa ilang palengke sa Metro Manila ay tumaas na sa P300 kada kilo. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *