Daan-daang bangkay nadiskubreng nakalibing sa ilang lugar na nakubkob ng Russian troops

Kinumpirma ng Ukrainian officials na nadiskubre ang daan-daang bangkay na inilibing sa ilang teritoryo na nakubkob ng Russian troops.

Ayon sa report, ilan sa mga bangkay ay nakatali ang mga kamay sa kanilang likod na patunay ng war crimes na ginawa ng mga mananakop.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na umabot sa 450 na mga bangkay kung saan ang iba ay bakas na pinahirapan habang ang iba naman ay naihiwalay sa ibang mga biktima.

Inihayag din ni Zelensky na mayroong isang mass grave na 17 pawang mga sundalo ang inilibing na mayroong palatandaan na napahirapan ang mga ito.

Mariin naman itong itinanggi ng head ng pro-Russian administration na si Vitaly Ganchev na umalis sa Izium noong nakaraang linggo kasabay ng pahayag na pakana ito ng Ukrainians.

Leave a Reply

Your email address will not be published.