Daan-daang mga bata, nakatanggap ng regalo mula kay Marcos sa Malacañang

Daan-daang mga bata ang nakatanggap ng pamasko mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang.

Sa temang “Balik Sigla, Bigay Saya,” pinangunahan ng punong ehekutibo ang nationwide gift giving activity sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace, kasama si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Nasa 600 mga bata na nakatira sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, Manila ang dumalo sa event.

Sa kanyang talumpati, binati ni Marcos ang mga bata ng Merry Christmas, at sinabing ginawa ang aktibidad para matiyak na ang bawat bata ay makakaranas ng yuletide celebration.

Ang gift giving activity ay simultaneously na isinagawa sa halos 40 lokasyon sa buong bansa.

Ang mga regalo na tinanggap ng mga bata ay mula sa mga private businesses, iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang Office of the President, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *