Daan-daang mga indigent families sa CamSur, nabigyan ng tulong ni Go

Binisita ni Sen. Bong Go ang mga indigent families sa Ragay at Libmanan Camarines Sur noong Martes at Miyerkules.

Namigay ang Senador ng mga libreng facemask, vitamins, pagkain, at mga damit para sa 240 na mga beneficiaries.

Namahagi rin ng bagong sapatos, damit, cellphone, at bola ng basketball at volleyball ang Senador para naman sa mga residente ng Ragay at Libmana Camarines Sur na ginanap sa cover court ng Mambulo Nuevo at sa PUP Gym.

Ang nangyaring programa ay isa sa mga bahagi ng Malasakit Centers program na binuo ni Sen. Go katuwang ang Department of Social Welfare, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa kabuoan, mayroon nang 158 Malasakit Centers ang nag o-operate sa buong Pilipinas at kasalukuyang pang nagsasagawa ng bagong health centers sa ibang parte ng Pilipinas.

Hinikayat naman ng Senador ang mga residente ng Camarines Sur na pumunta at bumisita sa Malasakit Centers na matatagpuan sa Bicol Medical Center sa Naga City at sa Bicol Region General Hospital at Geriatric Medical Center sa Cabusao Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *