Daet Bishop naturukan na ng first dose ng Sinovac vaccine

CAMARINES NORTE- Naturukan na ng unang dose ng COVID- 19 vaccine si Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na kabilang sa mga priorities dahil sa pagkakaroon ng comorbidity.

Ito ang inanunsiyo ng Obispo sa kaniyang misa nitong Linggo kasabay ang paghihikayat sa publiko na magpabakuna na rin bilang proteksyon sa nakamamatay na sakit at huwag maniwala sa mga haka- haka patungkol dito.

“Ako may comorbidity ako, at nagpabakuna na rin po ako at wala naman po akong ibang choice at kung anong available diyan, Sinovac, first dose pa lamang, just to show you that I personally encourage you to take the bakuna,” ani Alarcon.

Batid umano ng lider ng simbahang katoliko sa lalawigan ng Camarines Norte na marami ang natatakot na magpabakuna dahil na rin sa mga haka- haka at sa pinalulutang na conspiracy theory.

Aniya, totoo ang COVID- 19 at sa katunayan ay marami na ang namamatay kahit sa hanay ng mga medical frontliners .

“Alam king marami po ang natatakot at marami din kasing kung ano- anong conspiracy theories, karamihan sa mga ito ay mga haka- haka at sabi ko nga dun s aiba ano pa ba ang argumentong masasabi natin, ang dami ng namamatay sa India may mga kakilala kang bata pa na hindi pa dapat mamatay, yung iba doktor pa, frontliners namatay, gawa gawa lang ba itong virus na ito kasi meron mga nagpapalaganap na gawa- gawa lang daw, hindi daw totoo parang ordinary lang ito, it is true, it is real, the death of people is real, totoo.”

Binigyang diin ng Obispo na hindi gawa- gawa ang COVID taliwas sa pinalulutang ng ilan.

Aniya hindi matatapos ang pandemya hangga’t hindi naabot ang “herd immunity” o ang 70 % ng eligible population na mabakunahan.

Sa kabila nito, sinabi ng Obispo na hindi naman sapilitan ang pagpapabakuna at malaya umano ang sinuman na magpasya kung magpapabakuna o hindi.

We will not end the pandemic until we reach 70 % nag pagbabakuna, it will take a little more time, pero habang sinasabi ko at alam ko marami ang nakatatanda sa atin, marami ang natatakot, I will not force you, kayo pa rin ang magdedesisyon nun, but what I can give is only encouragement for you”.

Ipinaalala rin ng obispo ang patuloy na pagsunod sa health protocols para makaiwas sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *