Daet District Jail-Annex, bubuksan bunsod ng patuloy na paglobo ng populasyon ng mga persons deprived of liberty sa piitan

CAMARINES NORTE- Bubuksan ang Daet District Jail-Annex sa bayan ng Labo matapos maranasan ang Jail Congestion o pagsisikip ng piitan

Pansamantalang ookupahin nito ang bakanteng gusali sa Labo District Jail Compound sa Barangay Masalong, sa bayan ng Labo habang nagkakaroon ng koordinasyon ang BJMP sa mga lokal na pamahalaan at sa probinsya para sa donasyon ng lote.

Patuloy umano kasi ang paglobo ng populasyon ng mga persons deprived of liberty o (PDL) sa Daet District Jail na dahilan rin ng pagkakaroon ng iba’t ibang sakit bunsad ng mainit na panahon katulad ng alta presyon, pangangati, tuberculosis, at iba pa.

Maging ang mabilis na pagkapuno ng septic tank na ngayo’y sinosolusyunan na sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Daet.

Nito lamang Abril ay pumalo na sa 900% ang congestion rate dito.

Sa ngayon ay nasa proseso pa ng paghahanda at pakikipagkoordinasyon sa iba’t ibang ahensya ang Warden nito upang matiyak na ligtas at maibibigay sa mga PDL na mapupunta sa Daet District Jail-Annex ang mga pangunahin at kaukulang pangangailangan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *