Daet, Labo at Paracale kabilang sa top 3 municipalities sa Camarines Norte na may pinakamaraming ikinasal noong 2022

CAMARINES NORTE- Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Daet, Labo at Paracale na siyang top 3 municipalities sa Camarines Norte na pinakamaraming ikinasal noong 2022.

Batay sa vital statistics mula Enero hanggang Disyembre 2022,  nanguna ang Daet sa may pinakamaraming ikinasal na may 482 na sinusundan ng Labo na may 462 at Paracale na may 303.

Sa kabuuan nasa 2, 752 ang ikinasal kung saan mas marami ang pinili ang civil wedding na may 1, 619 habang 937 naman ang church wedding at 192 ay pumasok sa category na others.

Pinakamaraming ikinasal sa buwan ng Abril na nasa 349.

Walang nilabas na comparison ang PSA Provincial Office hinggil sa datos ng mga isinagawang pagpapakasal sa nabanggit na taon.

Lumalabas naman sa isang ulat noong Pebrero 2021 na bumaba ang bilang ng mga nagpapakasal sa buong bansa noong 2020.

Ito ang pinakamababang porsiento ng mga nagpakasal kung saan lumabas sa datos na 50% ang ibinaba nito kumpara sa 2010 survey.

Mula sa dating 482,480 na mga nagpakasal noong 2010 ay bumaba ng halos kalahati dito ang bilang ng mga Pinoy na nagpakasal noong 2020.

Sa nasabing survey, ang buwan ng Pebrero ang mas pinipiling panahon ng mga magkarelasyon ng kanilang pagpapakasal habang ang Agosto ang kakaunti ang nagpapakasal.

Apatnapung porsiento ng mga nagpakasal ay mas pinili ang civil wedding kesa gawin sa simbahan.

Mas maraming babae ang gustong magpakasal sa edad na 25 habang ang lalaki naman ay gustong ikasal sa edad na 28.

Samnatala, umaabot naman sa 13, 467 ang ipinanganak sa Camarines Norte noong 2022 kung saan mas marami ang lalake na may 6, 894 habang 6, 573 naman ang babae.

Sa kabila naman ng pagbabawal na manganak sa bahay mayroon pa ring 2, 580 na ipinanganak dito habang nasa 10, 873 ang ipinanganak sa hospital at 14 naman ay pumasok sa kategoryang others.

Umaabot naman sa 4, 114 ang registered deaths sa lalawigan sa nabanggit na panahon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *