Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo – namumuro sa susunod na lingo

Matapos ang umento sa LAHAT ng oil prices nitong Martes – dagdag-bawas naman ang namumuro sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources – naglalaro sa P0.60 hanggang P1.30 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding aasahang nasa P0.30 hanggang P0.90 na bawas sa kada litro ng kerosene.

Sa diesel, posible ang kakarampot na paggalaw mula P0.20 na rollback; ‘o ‘di kaya nama’y hanggang sa P0.30 na dagdag sa kada litro nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *