Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, kasado na bukas

Naglabas na ang mga oil companies ng abiso para sa ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Simula bukas, ipatutupad ang P1.70 na rollback sa kada litro ng Gasolina.

Mayroon namang umento na P1.20 sa kada litro ng Diesel; habang P2.45 ang dagdag sa kada litro ng Kerosene.

Epektibo ang pirce adjustment alas-sais ng umaga sa Pilipinas Shell, SeaOil Philippines, at PetroGazz.

Alas-dose naman ng madaling araw epektibo ang adjustment sa Caltex; habang alas-otso ng umaga bukas sa CleanFuel.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *