Dagdag bilang ng tricycle simula 5:00-7:00 ng gabi, isusulong sa SP

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ang Resolution para suriin ang traffic code ng lungsod lalong-lalo na ang pagdadagdag ng mga tricycle na bumibiyahe sa kritikal na oras o simula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi tuwing weekdays.

Nakasaad pa sa Panukala na ang pagreview ay pangungunahan ng Civil Security Unit, Public Safety Office o SK3 kung paano ang magiging proseso ng nasabing hakbang.

Matatandaan na nitong September 5, nagviral sa social media ang mga larawan na kuha ng isang netizen tungkol sa mahabang pila ng mga pauwing mga mag-aaral na nag aabang ng tricycle sa grand terminal ng lungsod sa pagitan ng alas 6:00 hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang nasabing Panukala ay isinusulong ni Bacon District City Councilor Jo Abegail Dioneda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *