Dagdag na Border Control point inihahanda na ng Naga City; ilang mga bayan nag hahanda sa posibilidad na pagdagsa ng mga uuwi mula sa NCR

NAGA CITY-Inihahanda na ng Naga City ang border control point sa Barangay Del Rosario-Palestina, Pili Camarines Sur Boundary bilang pag-iingat sa COVID-19 Delta variant.

Layuning bantayan ang mga galing sa labas ng Bicol Region na lumiliko sa Bayan ng Milaor lusot sa Pili upang hindi makadaan sa Naga-Milaor Border Point. Gayundin ang mga mula sa Visayas at Mindanao na dumaan sa probinsya ng Sorsogon. Pati ang mga bumababa sa Naga Airport na nasa Capital Town Pili.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kayPLTCOL Errol Garchitorena Jr., Commander and Ground Team Leader ng COVID-19 incident Management Team (IMT) Task Force on Security/Enforcement na sa ngayon oplan sita muna hanggat walang go signal mula kay Mayor Nelson Legacion.

Kaugnay nito hiling din ng IMT ang dagdag na pwersa upang mas maging epektibo ang bawat control point.

Samantala, ang ibang mga bayan sa Camarines Sur ay naghahanda na rin sa posibilidad na pagdagda ng mga umuuwing galing sa National Capital Region bago an muling pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine. Halimbawa sa bayan ng Milaor na magiging istrikto sa acceptance letter at pagbusisi sa COVID-test results. Sa Ocampo, test result din at valid i.d. Sa Pasacao paiigtingin ang enforcement , pinaalala din ng MDRRMO na dapat may koordinasyon sa Barangay na uuwian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *