Dagdag na PHP10 singil ng ALECO para sa buffer stock, inalmahan ng ilang mga consumer

LEGAZPI CITY – Inalmahan ng ilang mga consumer ang dagdag na PHP10 singil sa monthly bill ng Albay Electric Cooperative (ALECO) para sa buffer stock fund na gagamitin tuwing magkakaroon ng kalamidad sa lalawigan.

Ayon sa ilang mga konsumidor, hindi sila sang-ayon sa dagdag-singil sa kuryente.

Komento ng ilan, nahihirapan na nga sila sa paghanap ng pangbayad sa kuryente, magdadagdag pa ng PHP10 singil.

Paliwanag naman ng kooperatiba, ang buffer stock fund ay magagamit para sa mga hindi inaasahang mga kaganapan sa lalawigan katulad na lamang ng mga kalamidad kabilang na ang lindol, bagyo o kaya naman pagsabog ng bulkang Mayon na maaring makaapekto sa mga linya ng kuryente o di kaya sa operasyon ng kooperatiba.

Hindi umano kasya ang kanilang existing Reinvestment Fund for Sustainable Capital Expenditure (RFSC) para tugunan ang pagpapataas ng substation capacity, line upgrade and rehabilitation at iba pang customer requirements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *