Dagdag na pulis at militar nakadeploy na sa Sagñay , Camarines Sur kaugnay ng Semana Santa

NAGA CITY – Naka-Full Alert Status na rin dagdag na mga personaheng ipinadala at hiningi ng Sagñay Municipal Police Station na mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company at 83rd Infantry Division ng Philippine Army para sa dagdag na seguridad ngayong Semana Santa.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PCPT Mark Anthony Spaña, Deputy Chief of Police ng Sagñay MPS.

Kung saan magiging katuwang nila maliban pa sa mga personahe ng Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine Coast Guard (PCG), Intelligence Network ng MPS, mga volunteer at iba pa, masiguro lamang ang kaligtasan lalo na ngayon pa lang dagsa na pumupunta sa bayan.

May mga nakalatag na ring mga Motorist Assistance Center lalo na sa mga paliguan o dinarayo tulad sa Barangay Santo Niño, Nato maging sa Patitinan.

Maging sa mga simbahan at sa isang Linggong aktibidad nakahanda at nakasuporta na rin ang PNP matiyak lamang ang tahimik ang paggunita ng Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *