Aprubado na kahapon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag na P35 para sa sahod ng mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) – lusot na sa National Capital Region Wage Board ang naturang wage increase.
Ibig-sabihin, mula sa P610 na minimum wage kada araw ay tataas na ito sa P645.
Mula naman sa P573, umakyat sa P608 ang daily minimum wage ng mga agriculture workers; service o retail establishments na may hindi bababa sa 15 employees; at manufacturing establishments na may hindi bababa sa 10 manggagawa.
Epektibo ang bagong wage order, 15 araw matapos ang publication.