Dagdag sahod sa mga empleyado sa Bicol, hihintayin pang mai-deliberate ng RTWPB

LEGAZPI CITY – Hindi pa masasabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol kung kailan o kung maisasapinal na nga ba ang dagdag sahod para sa mga empleyado sa buong rehiyon matapos ang isinagawang regional public hearing ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) at ng nasabing ahensya.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOLE Bicol Regional Spokesperson JV Gasga, sinabi niya na sasailalim pa kasi ito sa mga proseso at magsasagawa pa ng mga deliberasyon. Ito kasi umano ang naging highlight ng nasabing hearing.

Aniya, papangunahan ng RTWPB ang magiging deliberasyon ng dagdag na sahod. Anuman ang resulta ng magiging deliberasyon, kanila itong irerekomenda at isusumite sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) at nakasasalalay sakanila kung kukumpirmahin nila ang rekomendasyon ng RTWPB.

Oras na makumpirma, ipu-publish sa loob ng 15 araw ang bagong minimum wage order sa Bicol at saka ito magiging epektibo.

Ayon pa kay Gasga, umaasa sila na bago matapos ang taon, maisasapinal na ito sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *