National

Dagdag-singil sa mga MERALCO consumers – kumpirmado na sa December Billing

ABISO sa mga konsyumer ng Manila Electric Company (MERALCO) dahil asahan na ang taas-singil sa inyong mga electric bills ngayong Disyembre.

Ito ay matapos maubos na ang P13.8 billion refund ng kumpanya sa kanilang mga consumer alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon sa abiso, magtatatas ng power rates ang MERALCO ng hanggang P0.33 (P0.03297) per kilowatt hour.

Ibig-sabihin, kung ang inyong tahanan ay kumonsumo ng 200kwh kada buwan, asahan na ang P66 na umento sa inyong December Billing.

Kung mayroon naman kayong 300kwh na nakonsumo ay tataas ito ng P99; habang P132 naman ang itataas ng mga tahanang nag-consume ng 400kwh sa loob ng isang buwan.

Matatandaaang maliban sa power rate hike ngayong buwan – una nang sinabi ng MERALCO na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na magtaas din ang singil sa Enero ng susunod na taon.

Kasunod ito ng paghihinto ng pagsusupply sa kanila ng San Miguel Corporation dahilan para mapilitan ang MERALCO na mag-source ng kuryente sa mas volatile na wholesale electricty spot market o WESM.

Kung ang San Miguel ay nagcha-charge ng P4.30 kada kWh – ang WESM naman ay naglalaro sa P7 to P9 ang presyo.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

19 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

19 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

19 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

19 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

19 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago