Dagotdotan Filtration Facility balik na sa normal operation

CAMARINES NORTE- Balik na sa normal operation ang Dagotdotan Filtration Facility (DFF) simula kaninang madaling araw.

Ito ang inanunsiyo ang pamunuan ng Primewater kaya makakaasa umano ang mga kunsomodores sa Daet South, Basud at Mercedes na magkakaroon na rin ng normal water supply.

Mababatid na dahil sa patuloy na pag ulan kahapon ay nakaranas ng mahiha hanggang sa pagkawala ng tubig ang mga nabanggit na lugar.

Kapag mataas kasi ang turbidity level ay humihinto o nagkakaroon ng partial operation  ang DFF.

Ito ang matagal nang pinoproblema ng mga kunsomidores sa mga nabanggit na lugar kapag malakas ang ulan.

Una nang inihayag ng pamunuan ng Prmewater na ilang buwan pa ang hihintayin para magkaroon ng solusyon ang problema.

Batay sa timeline ng Primewater sa gagawing proyekto, ngayong Marso ay naka- schedule ang bidding at awarding ng kontrata at ang konstruksyon ng proyekto ay sa Abril hanggang Setyembre nitong taon.

Sa Oktubre naman ang commissioning ng planta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *