Human Interest

Dahil sa inggit: Ina sa India, nilason ang estudyanteng karibal ng anak sa pagiging honor student

TOTOONG nakamamatay ang inggit, at hindi lahat ng taong inggit ay pumipikit at sa halip ay nakakagawa ng krimen.

Sa bansang India, usap-usapan ngayon ang nangyaring pamamaslang ng isang ina sa isang 13-anyos na Grade 8 student sa  Servite English School sa Tamil Nadu, India.

Batay sa ulat ng mga otoridad, inggit ang motibo ng nasabing krimen matapos magawang lasunin ng suspek na kinilalang si Victoria Sahayarani ang biktima.

Lubha umanong kina-inggitan ng ginang ang estudyante dahil sa pagiging top nito sa klase at pagkakaroon ng matataas na marka.

Hindi magawang mahigitan ng kanyang anak ang biktima kung kaya’t palagi lamang itong pumapangalawa sa “honor roll.”

Dahil sa labis na pagka-inggit, nagpakilalang kamag-anak ng biktima ang suspek at ipinaabot sa guwardiya ng paaralan sa biktima ang soft drinks na nilagyan niya ng lason.

Nakaramdam ng lubhang panghihina, pananakit ng tiyan at pagsusuka ang bata hanggang sa bawian ito ng buhay.

Mabilis namang naaresto ang suspek matapos makunan ng CCTV ang insidente at personal itong kilalanin ng guwardiya.

Inamin naman ng biktima sa mga pulis na inggit ang dahilan kung bakit niya nagawa ang krimen at sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ito ng mga otoridad para sampahan ng kaso.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

4 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

4 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

4 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

4 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

4 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago