Dahil sa naka ambang tigil pasada, face-to-face class sa Angeles city sa susunod na linggo suspendido

Kinansela na ni Angeles City Mayor Pogi Lazatin ang pagsasagawa ng face to face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod simula March 6 hanggang March 10, 2023.

Sa Executive Order no. 10-2023 ni Lazatin nakasaaad na ito ay bunsod ng naka ambang transport strike ng mga jeepney sa nasabing panahon.

At para hindi maantala ang pag aaral at ang academic calendar ng mga paaralan, kaya minabuti ng city government na magpatupad pansamantala ng modular classes sa lahat ng mga pampublikong paaralan.

Habang online classes naman para sa mga nasa pribadong paaralan.

Matatandaang nag anunsyo na ang ibat-ibang mga transport groups ng nationwide transport strike simula Lunes.

Samantala sa mga nakapanayam naman ng Brigada News FM na ilang mga transport group sa Central Luzon, sinabi ng mga ito na pinag iisipan pa nila kung sasama sa nasabing strike.

Ang transport strike ay bunsod ng inilabas na memorandum ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na binibigyan na lamang ng hanggang June 30, 2021 ang mga traditional jeepneys na makapamasada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *