Sen. Go, pag-aalis ng public health emergency “premature” pa

Maaaring premature pa sa ngayon ang pag-aalis ng public health emergency ayon kay Senator Christopher “Bong” Go.

Kaya hinimok ng senador ang gobyerno na hintayin ang payo ng mga health experts bago magpasya kung aalisin o hindi ang public health emergency dahil s apatuloy na pag usbong ng COVID-19 virus.

Ayon kay Go, nasa pinakamagandang posisyon ang mga health authorities upang matukoy at magrekomenda kung kailan aalisin ang nasabing status.

Unang inilagay ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa state of public emergency noong March 8, 2020, nang iulat ng Department of Health ang unang local COVID-19 transmission. Ang deklarasyon ay patuloy na “in force and effect” ayon sa proklamasyon hanggang sa ito ay bawiin o alisin ng Pangulo.

Isinailalim din ng dating pangulo ang bansa sa state of calamity noong March 16, 2020 sa loob ng anim na buwan. Ang proklamasyon ay pinalawig noong September 2020 para sa isa pang taon, at pagkatapos ay pinalawig muli noong Setyembre 2021.

Noong Agosto, pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kasalukuyang mga deklarasyon  bilang tugon sa COVID-19 pandemic.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *