Dahil sa pagtaas ng kaso ng covid-19, CVMC ‘di muna tatanggap ng face-to-face consultation

Pansamantalang ipinatigil muna ang face-to-face consultation sa Outpatient Department ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) simula ngayong araw, January 7, 2022 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ni Dr. Glenn Mathew Baggao, ang Center Chief ng CVMC sa kaniyang facebook account, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga kliyente at mga nagtutungo sa naturang ospital.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyo ng pagamutan sa pamamagitan ng telemedicine services nito.

Maari lamang magpadala ng mensahe para sa iskedyul ng teleconsultation sa mga numerong 09157638377, 09605227327 o sa CVMC Telemedicine facebook page na bukas simula Lunes hanggang Biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *