Dahil sa pressure ng pamilya, 29-anyos na babae sa Australia pinakasalan ang kanyang sarili

Sydney, Australia “Relax wala ka pang trenta!”

Iyan daw ang pinakamagandang sabihin sa mga taong nakakaramdam ng pressure sa aspeto ng paglalagay sa tahimik o pag-aasawa.

Ngunit paano nga naman talaga kung nasa edad ka na at lahat, ngunit hindi pa rin dumarating ang taong nakalaan para sayo?

Paano kung rinding-rindi ka na rin sa paulit-ulit na tanong ng pamilya at mga kamag-anak mo kung “Kailan ka mag-aasawa?”

Sa bansang Australia, usap-usapan ngayon ang isang 29-anyos na babae na si Patricia Christine mula sa Sydney.

Kamakailan lamang kase, nagpakasal ito hindi sa kung sinumang kasintahan kundi sakanyang sarili.

Sa isang panayam, sinabi ni Christine na nakatakda na dapat siyang ikasal sakanyang fiancée noong 2013 ngunit sa kasamaang palad ay naudlot ito at nanatili na lamang siyang single sa loob ng mahabang panahon.

Dahil sa pressure at stress na nararanasan mula na rin sakanyang pamilya at mga kaibigan, napag desisyunan niya umanong pakasalan na lamang ang kanyang sarili.

Para sakanya, ang pagmamahal sa sarili o “self-love” ang pinamahalagang uri ng pagmamahal na dapat taglayin ng kahit na sino.

Gumastos ng $95 si Christine para sakanyang kasal, mula sa pagbili niya ng wedding dress, bulaklak at wedding ring habang nag imbita lamang siya ng siyam na malalapit na kaibigan at kamag-anak para maging saksi ng kanyang self-committed wedding.

Dagdag pa niya, ginawa niya rin ito upang maipakita sa publiko lalo na sa mga kababaihan na ang pinaka importante umanong relasyon sa lahat ay ang relasyon sa sarili at hindi kailangan ng kahit na sino para maging buo ang sarili.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *