Dahil sa sumbong ng kapit-bahay, alagang malaking sawa na-rescue ng DENR

Boluntaryong isinuko ng may-ari ang alaga nitong Burmese python (π˜—π˜Ίπ˜΅π˜©π˜°π˜― 𝘣π˜ͺ𝘷π˜ͺ𝘡𝘡𝘒𝘡𝘢𝘴) sa DENR Metropolitan Environmental Office-West (MEO-West) sa Maynila.

Ayon sa DENR, pinuntahan ng MEO-West ang bahay ng hindi pinangalanang may-ari ng sawa sa San Andres Bukid, Maynila matapos makatanggap ng tawag sa telepono hinggil sa diumano’y iligal na pag-aalaga ng ahas ng kanilang kapitbahay.

Bigong magpakita ng Certificate of Wildlife Registration (CWR) mula sa DENR National Capital Region ang may-ari kaya minabuti nitong isuko ang ahas.

Nilipat naman agad ng MEO-West ang ahas sa Wildlife Rescue Center sa Quezon City para sa pansamantalang pag-iingat.

Ang Burmese python ay isang uri ng exotic wild animal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *