Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa dahilan ng pagkamatay ng dating American swimming champion na si Jamie Cail sa United States Virgin Islands.

Ayon sa US Virgin Islands Police Department, ang biktima ay natagpuan ng kanyang kasintahan na walang malay sa kanyang bahay sa St. John noong umaga ng Februrary 21.
Dinala siya sa isang kalapit na ospital kung saan siya binigyan ng CPR ngunit binawian din ng buhay.//CA