Daily average ng COVID-19 cases sa bansa, bumaba ng 9% ayon sa DOH

Bumaba ng 9 porsiyento ang daily average ng COVID-19 cases sa bansa mula January 2 hanggang January 8, 2023.

Ayon sa Department of Health, mula sa 497 daily infections na naitala mula December 26, 2022 hanggang Jan. 1, 2023, ang bilang ay bumaba sa 447 noong nakaraang linggo.

Ang pinakahuling case bulletin ay nagpakita ng 3,127 na mga bagong kaso at 79 ang verified deaths.

Sa ngayon, ang bansa ay nakapagtala ng higit sa 4.07 milyong kaso ng coronavirus at higit sa 65,476 fatalities.

Samantala,humigit-kumulang 73,791,107 o 94.48 percent ng target na populasyon ng bansa o 78,100,578 ang nabakunahan na laban sa Covid-19 kabilang ang 79.46 percent ng 8,721,357 senior citizens hanggang nitong January 8.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *