Daily average sa mga kaso ng COVID-19 sa PH, bumaba ng 11% —OCTA

Ibinalita ng OCTA Research na bumagsak sa 8,246 ang average number ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, sa nakalipas na pitong araw o 11% na mas mababa kumpara sa nakaraang average na 9,253.

Pero ayon sa grupo, hindi pa ito nila nakikita bilang epekto ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Nilinaw rin ni Dr. Guido David, miyembro ng independent research group, na ang biglaang pagtaas sa mga bagong kaso noong Sabado (May 1), ay hindi maikokonsiderang surge ng infections, dahil ito umano ay posibleng dulot ng late reporting o closure ng ilang testing centers.

Kaugnay nito, binigyang diin rin ni David ang downtrend ng mga bagong kaso sa Metro Manila na ngayon ay nasa 0.83 reproduction rate.

Giit nito, ang Metro Manila ay nagtala ng average number na 3,144 na mga bagong infections sa nakalipas na pitong araw, kung saan ito ay 18 percent na mas mababa mula sa naunang linggo na 3,337 average cases. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *