Dalaga sa U.S biktima ng cyberbullying ng kanyang mismong ina

WALANG sinabing rason kung bakit nagawa ng isang ina na mang-harass online sa kanyang mismong anak na menor de adad pa lamang  sa Michigan , U.S.

Ayon sa ulat, mahigit 300 na pahina ng mga masasakit na salita, ang pinadala ng nanay sa kanyang mismong anak, nagsimula ang paninira nito noong February 2021 at tumagal pa ng isang buong taon.

Ang nanay ay talagang gumawa pa ng mga dummy accounts at kumonekta pa talaga sa isang virtual private network o VPN para lamang maitago ang pagkakakilanlan nito.

Nang umabot sa sukdulan ang ginagawa ng nasabing nanay ang biktima ay nagsumbong na at agad na nag file ng complaint sa kapulisan ngunit hindi naging madali ang pagtukoy sa identity ng nanay dahil sa ginagamit nitong VPN.

Nang nakipagugnayan ang local police sa FBI Cyber Division doon na pag-alaman na ang mismong bully ng biktima ay ang kanyang mismong nanay.

Dahil diyan hinuli ito ng mga pulis at kakaharap sa ilang mga kaso at posibleng makulong ng hindi lalagpas ng 15 taon.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *