Sa isang banana plantation ng Barangay Dacudao, Davao City nakita ang bangkay ni Vlanche Marie Bragas, 28 taong gulang na Architect na residente ng Poblacion, Calinan sa kaparehong syudad.
Agad tinungo ng Brigada ang lugar at doon nakausap ang unang nakakita sa bangkay ni Vlanche na si Jonathan Magalleon, trabahador ng nasabing banana plantation at doon nito ibinunyag ang kanyang nakita.
Ayon kay Jonathan wala nang pang-ibabang kasuotan si Vlanche nang makita niya sa sagingan at tinabunan ng lupa at dahon ng saging.
Tumangging humarap sa camera ang pamilya ni Vlanche ngunit ikwenento nila ang pangyayari nang gabing hindi na nakauwi ang biktima na umano’y sumakay ng kolor yellow na tok-tok o mas kilalang bao-bao o ongbak sa Davao City.

Base sa kwento ng kapamilya ng biktima na tumawag pa si Vlanche sa kanyang nanay bago sumakay ng bao-bao ngunit naabutan na ng 30 minuto hindi pa ito nakarating kaya agad nitong sinundo sa kanto ngunit ang tsinelas na lamang umano ng biktima ang kanyang nakita sa nasabing lugar kaya agad itong nag-report sa pulisya.
Nakausap din ng Brigada ang si Felix Sanchez, driver ng pedicab na nasa kanto kung saan sumakay si Vlanche sa kolor yellow na tok-tok at pahayag nitong may lalaki umanong sakay din ng nasabing sasakyan nang sumakay ang biktima.
Nakakuha namang ang Brigada ng kopya ng CCTV footage mula sa aming source, makikita si Vlanche na sumakay sa nasabing tok-tok na posibleng nagdala sa kanya banana plantation at possible ding suspek sa nasabing krimen lalo na at una nang sinabi ng nakakitang driver na may lalaking sakay ang nasabing sasakyan nang sumakay ang biktima.
Sa ngayon hustisya ang sigaw ng pamilya, ka klase, ka trabaho at sa mga nagmamahal sa dalaga na umanoy isang mabait na tao sa kanilang kumunidad.