Dalagang pumatay sa sariling ama sa Naga City, nahuli sa Pili, Camarines Sur

NAGA CITY – Nahuli sa Pili Camarines Sur ang 21-anyos na dalaga na suspek sa pagpatay sa sariling ama sa Lungsod ng Naga noong buwan  ng Enero nitong taon.

Ang suspek kinilalang si “Maria” 21-anyos ng Barangay San Isidro, Naga City.

Salaysay ng suspek sa mga otoridad, napatay nito ang kanyang 41-anyos na ama, dahil sa boses na bumubulong umano dito at inuutusan itong saksakin ang natutulog na ama.

Kinuha umano ng suspek ang kutsilyo at sinaksak nito ang ama sa dibdib, dahilan upang kaagad itong bawian ng buhay.

Samantala, napag alaman ng Brigada News FM Naga kay PSMS Tobias Bongon ang tagapagsalita ng Naga City Police Office, nagtago ng ilang buwan ang dalaga matapos ang krimen, kung saan sa isang Barangay sa Pili ito nasakote ng mga otoridad matapos ang ilang araw na pagmamanman.

Parricide ang kakaharapin na kaso ng suspek. Ayon sa PNP , titinggan din ang mental health condition nito upang ma-assess.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *