Dalagita sa bayan ng Mercedes tinamaan ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa  33 ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes.

Pinakahuli dito ay ang isang 12 anyos na dalagita mula sa Barangay San Roque na iniulat ng Department of Health (DOH) kamakalawa.

Sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalan na inilabas nitong Biyernes, ang dalagita na bagong COVID- 19 positive sa naturang bayan ay si Bicol No 12521 na close contact ng naunang kaso.

Wala itong nararamdamang sintomas na naka- quarantine ngayon sa District II Temporary Treatment and Monitoring Facility sa bayan ng Vinzons.

Ayon sa LGU, agaran umanong gumawa ng kaukulang aksyon ang Mercedes Inter agency Task Force at isinagawa ang prevention and control measures.

Paalala naman ng Lokal na Pamahalaan na sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.

Sa ngayon ay umaabot na sa kabuuang 581 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa lalawigan na may 218 active cases.

Yan ay matapos makapagtala na siyam na panibagong kaso nitong Biyernes mula sa limang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *