Dalawa, kabilang ang isang NPA arestado sa Masbate

Arestado ang dalawang indibidwal kabilang ang isang miyembro ng NPA sa magkahiwalay na lugar sa Masbate.

Unang naaresto si Eddie Lumberio Sola, 45-anyos, may asawa, mangingisda at naninirahan sa Brgy Morocborocan, Monreal sa kasong Murder.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 50, San Jacinto, Masbate. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ni Sola na nangyari halos 7 taon na ang nakararaan.

Sa lungsod naman ng Masbate ay inaresto si Philip Edilo Francisco, 57-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy Titong ng nasabing lungsod.

Miyembro umano ito ng L1, KomProb4 sa ilalim ng pamumuno ni Arnold Rosero alias Ka Star.

Hinainan ito ng kanyang warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 47, Masbate City sa kasong frustrated murder na may itinakdang piyansa na P200K.

Ang krimen ay nangyari noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *