Dalawa katao arestado matapos maaktuhan ng otoridad sa pagsasagawa ng iligal na sugal na tinatawag na “BOOKIES”

CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga pinagsanib na puwersa ng mga kapulisan sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa iligal na sugal ang dalawa katao sa Purok 5 Barangay Banocboc,Vinzons, Camarines Norte.

Ang naarestong personahe ay kinilalang sina alyas “Gie” 37 anyos, at si alyas “Ric”, 41 anyos, kapwa residente ng nabanggit na bayan

Sa report ng pulisya, habang ang mga otoridad ay nagsasagawa ng kanilang anti-illegal gambling operation sa nasabing lugar ay aktwal na natimbog ang mga nasabing personahe sa aktwal na pagsasagawa ng illegal numbers game na tinatawag na “Bookies”.

Narekober sa mga suspek ang mga ebidensya na Collection Report Forms at Bet Money na nagkakahalaga ng Walong Libo, Apat na Raan at Apatnaput Walong Piso (Php 8,448.00).

Ang mga nasabing personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *