Dalawa pang RACE campaign ngayong taon ilulunsad ng SSS sa Camarines Norte para habulin ang non- compliant employers

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Social Security System (SSS) na dalawa pang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ang ilulunsad dito sa Camarines Norte ngayong taon upang habulin ang non- compliant employers.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo, special RACE ang ginawa kahapon bilang bahagi ng pag obserba ng Labor Day sa May 1 pero mayroon talaga aniyang naka- schedule sa Mayo at sa Agosto.

Target ng SSS sa bawat RACE campaign ang anim hanggang sampung employer para himukin ang mga ito na sumunod sa batas partikular ang Republic Act No 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Ani Robredo, karamihan sa mga paglabag ng employer ay ang non- registration at non- remittance ng contributions.

Mayroon din naman umanong hindi nakakapagpakita ng mga dokumento kapag bumibisita ang accounts officer ng SSS lalo na kapag mayroong mga reklamo.

(VC- ROBREDO 1)

Ang RACE campaign ay isa umanong commitment ng SSS para obligahin ang mga employer na sumunod sa batas sa pamamagitan ng pagrerehistro ng kanilang mga empleado at pagremit ng kopntribusyon na kinakaltas sa sweldo ng mga ito.

Ayon kay Robredo kinakailangang ireport ng employer sa SSS sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng employment ng kanilang mga empleado para na rin sa social security protection ng huli.

Matatandaan na Agosto nang nakaraang taon ay nagsagawa rin ng kahalintulad na aktibidad ang SSS sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *