Dalawa patay dahil sa pagtatalo sa naging resulta ng election

Pagtatalo umano sa resulta ng election ang naging mitsa ng buhay ng mag-ama matapos silang pinagsasaksak sa loob ng kanilang nirerentahang bahay sa Matina Aplaya, Davao City kagabi.

Ang suspek kinilalang si Panfilo Manrique, 71-anyos, at anak nitong si Geraldine Manrique, 43-anyos habang ang suspek si Reo Ballenas, 30-anyos.

Sa interview ng Brigada kay Rex Ronquillo, landlord ng tatlo, unamin umano ni Reo na dahil sa pagtatalo sa election  napatay niya ang mag-ama.

Dagdag pa ni Ronquillo na sa harap mismo ng tatlong anak na menor de edad ni Reo napatay niya ang kanyang biyanan at live-in partner.

Sa imbestigasyon naman ang Talomo Police Station, tinitignang motibo ng krimen ay sama ng loob o grudge.

Napag-alaman na naging komplekado ang relasyon ng tatlo dahil ang dating asawa ni Reo ay katatid ng ka live-in nitong si Geraldine kaya isa sa tinitignang rason ng krimen ayang problema sa pamilya at nagsilbing mitsa ang pagtatalo sa election.

Natalo umano ang kandidato ng suspek habang nanalo naman ang sinusuportahan ng kanyang live-in partner.

Agad naman naaresto ang suspek na sa ngayon nakapiit na sa bilanguan. Max Anaten

Leave a Reply

Your email address will not be published.