NAPATAY ang dalawang katao habang anim naman ang sugatan matapos ang sumiklab ang barilan sa labas ng wedding avenue sa Ottawa, Canada.
Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Said Mohamed Ali, 26 gulang at Abdishakur Abdi-Dahir, 29 na gulang, pawang mga residente ng Toronto.
Sa kasalukuyan, pahayag ng Ottawa Police Homicide Unit, wala pang naaaresto sa nasabing insidente habang tinitignan naman ang lahat ng anggulo na pinag-ugatan nito.
Patuloy namang kinokondena ng kapulisan ang karahasang nangyari na walang puwang sa kanilang komunidad. ###Johnoah Mae A. Zepeda, Intern