Dalawa, patay sa pamamaril sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte

Isang oras bago magbukas ang halalan – napatay ang dalawang mga indibidwal, habang sugatan naman ang tatlo sa pamamaril sa Barangay Bugawas, sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Kinumpirma ni Bangsamoro Police regional dir. BGen. Allan Nobleza na nabaril ang mga biktima habang papunta sila sa kanilang polling precincts.

Nagtamo raw ng maraming tama ng bala sa katawan ang mga biktima.

May identity na rin umano ang mga gunmen at mga kasabwat nito.

Sabi naman ni Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia, ang mga napatay ay pawang mga taga-suporta ng ilang kanidato sa area.

Ipinag-utos naman na ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda ang hot pursuit operations para sa paghuli sa mga suspek.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *